Kung sawa na kayo sa steamed crabs mas makakabuti na bigyan sya ng kakaibang buhay. Mas sasarap ang kain nyo kung gagawin nyo syang relleno na masarap ihain sa handaan at mga pagtitipon. Narito ang napakasimpleng pamamaraan ng pagluluto.
Mga Sangkap:
1 kilo Alimasag ( Iyung katamtaman lang ang laki ) / i-nisteamed at hiniwalay ang laman.
3 butil na bawang / dinikdik
1 sibuyas na pula / hiniwang pino
1 kamatis (katamtaman) . hiniwang pino
1 siling pula o berde / hiniwang pino
1 patatas / hiniwang maliliit na kudrado
1 carrot / hiniwang maliliit na kudrado
1 itlog na puti / binati
1/4 cup bread crumbs
1 tbsp dahon sibuyas na mura
2 tbsp keso / ginadgad
mantika / pang prito
Pamamaraan:
|
Ihanda ang mga sangkap. Naayon sa mga nakasulat sa itaas na bahagi. |
|
Igisa ang bawang at sibyas sa konting mantika. |
|
Isunod ang kamatis at siling pula. hintayin maluto maigi at lumabas ang kata nito. |
|
Isunod ang patatas at carrots..hintayin maluto ng bahagya |
|
Ihulog ang laman ng crabs at haluin. |
|
Timplahan ng osyter sauce, asin, asukal ,at paminta. |
|
Hintayin maluto at timplahin naayon sa inyong panlansa. |
|
Itabi at palamigin |
|
Lagyan ng palaman ang mga nahugasan na shell at batihin ang itlog at ihanda ang bread crumbs |
|
Budburan ng Keso at saka sibuyas na mura. |
|
lagyan ng binating itlog sa ibabaw |
|
Budburan ng bread crumbs sa ibabaw. |
|
Iprito sa mainit na mantika at buhusan sa ibabaw nito hanggang maging mapula. |
|
Iayos sa lalagyan na may sapin na Letsugas, |
|
Ihain na mainit init pa...Enjoy |