Ang Spinach ay isang halamang dahon na makikita sa lahat ng lugar. Napakasimpleng gawin at masustansya. Abot kaya ng lahat. Bakit hindi natin subukan at matikman
Ang mga Sangkap:
1/2 Kilo Spinach
1/4 Kilo na Hipon Sariwa
2 Tbsp na Mantika
6 butil na bawang
2 tbsp na Butter
1 tsp na Asin
1 tsp na Asukal
2 Tbsp na Osyter Sauce
Itaktak mo Ajinomoto
Pamamaraan:
|
Himayin ang Spinach at tanggalin ang amtigas na tangkay nito. Siguraduhin na nahugasan maigi. |
|
Magpainit ng Pan at lagyan ng butter at mantika |
|
Isnod ang bawang at papulahin ng kaunti |
|
Isnod ang Spinach at lagyan ng konting asin at asuka. |
|
Takpan ito at hintayin ng tatlong minuto bago buksan. |
|
Mapapansin nyo na Kylay Berde pa din ang dahon at haluin ito para maluto ang ibang bahagi nito. |
|
Haluin hanggang maluto ng bahagya. |
|
Itabi at salain ang mga sabaw nito. Ilagay sa isang plarera pagkatapos. |
|
Magpainit uli ng pan at lagyan ng butter at mantika. |
|
Isunod ang bawang at papulahin. |
|
Isunod ang Hipon at kung nais lagyan ng sili para medyo umanghang. |
|
Timplahan ng Osyter sauce, asin, asukal at betsin. |
|
Pagkaluto ito ay ilagay sa ibabaw ng Spinach. |
|
Ihain ito na mainit init pa. |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento