Minsan nauumay na tayo sa lutong adobo. May mga panahon na naghahanap tayo ng ibang lasa na ating kagigiliwan. Ang adobo sa gata ay isang lutuin pilipino na inyong magugustuhan dahil ito ay medyo maanghang at maasim asim dahil sa suka. Naririto ang akong pamamaraan ng pagluluto na inyong maiibigan.
Mga Sangkap:
1 kilo Pakpak ng Manok / Nilinis at inalis ang dulong bahagi
1/4 cup Cane Vinegar
1 tsp Pamintang durog
2 pcs Dahon ng Laurel
3 pcs Siling Panigang / hiniwa sa gitna at inalis ang buto
1 tbsp Achuete
3 Tbsp Oil
1 cloves Bawang / dinikdin ng pino
Patis / panimpla
Asin / panimpla
Vetsin / Panimpla
Ang Pamamaraan:
Ihanda ang mga sangkap na nakasulat sa itaas na bahagi |
dikdikin ang kalahati ng bawang, paminta, at laurel |
Ibabad ang manok sa suka at itabi sa refrigerator ng magdamag. |
kapag lulutuin na ihiwalay ang manok sa pinagbabaran. |
gumawa ng atchuete oil sa konting mantika |
hiwain ang mga bawang, siling panigang at sibuyas |
painitin ang mantika na may atchuete, ilagay ang bawang |
Isunod ang sibuyas at siling panigang |
ihulog ang manok at achuete powder |
lutuin hanggang lumabas ang katas ng manok |
ihulog ang gata at palambutin ang manok. |
kapag malapit ng maluto, isunod ang kakang gata, timplahan at pakuluin ng ilang minuto. |
Ihain na mainit init..Enjoy |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento