Paksiw na pata ay isang lutong pilipino na hango sa lutuing Tsino. Maihahambing mo sya sa luto ng Peking Duck na medyo manamis namin ang lasa. Pwedeng gamiting ang pata ng baboy o baka sa lutong ito. Ang pinakamasarap nito ay iyung naghahalo ang tamis at asim ng suka. Makakabuting gumamit ng sukang Puti at madaming bawang. Ang pag-gamit ng pressure cooker ay makakatulong mapadali ang pagluluto ng Pata.Eto po ang aking pamamaraan ng pagluluto ng paksiw na pata.
Ang mga sangkap:
1 Kilo Pata ng Baka
I/2 cup Toyo
1/2 Cup Sukang Puti
1 cloves Bawang
1 tsp asin
3 cups Tubig
2 pcs Laurel
8 pcs Pamintang Buo
1/2 cup asukal na pula.
betsin
Ang pamamaraan ay ang mga sumusunod:
Ihanda ang mga sangkap. Siguraduhin nahugasan at naalisan ng mga balahibo ang Pata. |
Ilagay sa loob ng kaldero kasama ang toyo, suka, asuka, bawang, asin, paminta, at laurel. |
Painitin at pakuluan ng ilang saglit. |
Kapag kumukulo na alisin ang mga bula sa ibabaw. |
Takpan at hintayin maluto ng isang oras sa pamamagitan ng pressure cooker. Kung karaniwan kaldero ang gamit, aabot ito ng 2 - 3 oras. |
Ilagay sa isang lalagyan at ibuhos ang natirang sabaw nito. |
Ihain na mainit init pa...Enjoy |
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento