Martes, Nobyembre 2, 2010

Paksiw na Pata


Paksiw na pata ay isang lutong pilipino na hango sa lutuing Tsino. Maihahambing mo sya sa luto ng Peking Duck na medyo manamis namin ang lasa. Pwedeng gamiting ang pata ng baboy o baka sa lutong ito. Ang pinakamasarap nito ay iyung naghahalo ang tamis at asim ng suka. Makakabuting gumamit ng sukang Puti at madaming bawang. Ang pag-gamit ng pressure cooker ay makakatulong mapadali ang pagluluto ng Pata.Eto po ang aking pamamaraan ng pagluluto ng paksiw na pata.

Ang mga sangkap:

1 Kilo Pata ng Baka
I/2 cup Toyo
1/2 Cup Sukang Puti
1 cloves Bawang
1 tsp asin
3 cups Tubig
2 pcs Laurel
8 pcs Pamintang Buo
1/2 cup asukal na pula.
betsin

Ang pamamaraan ay ang mga sumusunod:

Ihanda ang mga sangkap. Siguraduhin nahugasan at naalisan ng mga balahibo ang Pata.

Ilagay sa loob ng kaldero kasama ang toyo, suka, asuka, bawang, asin, paminta, at laurel.

Painitin at pakuluan ng ilang saglit.

Kapag kumukulo na alisin ang mga bula sa ibabaw.

Takpan at hintayin maluto ng isang oras sa pamamagitan ng pressure cooker. Kung karaniwan kaldero ang gamit, aabot ito ng 2 - 3 oras.

Ilagay sa isang lalagyan at ibuhos ang natirang sabaw nito.

Ihain na mainit init pa...Enjoy

Lunes, Nobyembre 1, 2010

Adobong Manok sa Gata


Minsan nauumay na tayo sa lutong adobo. May mga panahon na naghahanap tayo ng ibang lasa na ating kagigiliwan. Ang adobo sa gata ay isang lutuin pilipino na inyong magugustuhan dahil ito ay medyo maanghang at maasim asim dahil sa suka. Naririto ang akong pamamaraan ng pagluluto na inyong maiibigan.

Mga Sangkap:

1 kilo Pakpak ng Manok / Nilinis at inalis ang dulong bahagi
1/4 cup Cane Vinegar
1 tsp Pamintang durog
2 pcs Dahon ng Laurel
3 pcs Siling Panigang / hiniwa sa gitna at inalis ang buto
1 tbsp Achuete
3 Tbsp Oil
1 cloves Bawang / dinikdin ng pino
Patis / panimpla
Asin / panimpla
Vetsin / Panimpla

Ang Pamamaraan:



Ihanda ang mga sangkap na nakasulat sa itaas na bahagi

dikdikin ang kalahati ng bawang, paminta, at laurel

Ibabad ang manok sa suka at itabi sa refrigerator ng magdamag.

kapag lulutuin na ihiwalay ang manok sa pinagbabaran.

gumawa ng atchuete oil sa konting mantika

hiwain ang mga bawang, siling panigang at sibuyas

painitin ang mantika na may atchuete, ilagay ang bawang

Isunod ang sibuyas at siling panigang

ihulog ang manok at achuete powder

lutuin hanggang lumabas ang katas ng manok

ihulog ang gata at palambutin ang manok.

kapag malapit ng maluto, isunod ang kakang gata, timplahan at pakuluin ng ilang minuto.

Ihain na mainit init..Enjoy

Linggo, Oktubre 31, 2010

Stir Fry Spinach


Ang Spinach ay isang halamang dahon na makikita sa lahat ng lugar. Napakasimpleng gawin at masustansya. Abot kaya ng lahat. Bakit hindi natin subukan at matikman

Ang mga Sangkap:

1/2 Kilo Spinach
1/4 Kilo na Hipon Sariwa
2 Tbsp na Mantika
6 butil na bawang
2 tbsp na Butter
1 tsp na Asin
1 tsp na Asukal
2 Tbsp na Osyter Sauce
 Itaktak mo Ajinomoto

Pamamaraan:


Himayin ang Spinach at tanggalin ang amtigas na tangkay nito. Siguraduhin na nahugasan maigi.

Magpainit ng Pan at lagyan ng butter at mantika

Isnod ang bawang at papulahin ng kaunti

Isnod ang Spinach at lagyan ng konting asin at asuka.

Takpan ito at hintayin ng tatlong minuto bago buksan.

Mapapansin nyo na Kylay Berde pa din ang dahon at haluin ito para maluto ang ibang bahagi nito.

Haluin hanggang maluto ng bahagya.

Itabi at salain ang mga sabaw nito. Ilagay sa isang plarera pagkatapos.

Magpainit uli ng pan at lagyan ng butter at mantika.

Isunod ang bawang at papulahin.

Isunod ang Hipon at kung nais lagyan ng sili para medyo umanghang.

Timplahan ng Osyter sauce, asin, asukal at betsin.

Pagkaluto ito ay ilagay sa ibabaw ng Spinach.

Ihain ito na mainit init pa.


Sabado, Oktubre 30, 2010

Rellenong Alimasag

Kung sawa na kayo sa steamed crabs mas makakabuti na bigyan sya ng kakaibang buhay. Mas sasarap ang kain nyo kung gagawin nyo syang relleno na masarap ihain sa handaan at mga pagtitipon. Narito ang napakasimpleng pamamaraan ng pagluluto.

Mga Sangkap:

1 kilo Alimasag ( Iyung katamtaman lang ang laki ) / i-nisteamed at hiniwalay ang laman.
3 butil na bawang / dinikdik
1 sibuyas na pula / hiniwang pino
1 kamatis (katamtaman) . hiniwang pino
1 siling pula o berde / hiniwang pino
1 patatas / hiniwang maliliit na kudrado
1 carrot / hiniwang maliliit na kudrado
1 itlog na puti / binati
1/4 cup bread crumbs
1 tbsp dahon sibuyas na mura
2 tbsp keso / ginadgad
mantika / pang prito

Pamamaraan:

Ihanda ang mga sangkap. Naayon sa mga nakasulat sa itaas na bahagi.

Igisa ang bawang at sibyas sa konting mantika.

Isunod ang kamatis at siling pula. hintayin maluto maigi at lumabas ang kata nito.

Isunod ang patatas at carrots..hintayin maluto ng bahagya

Ihulog ang laman ng crabs at haluin.

Timplahan ng osyter sauce, asin, asukal ,at paminta.

Hintayin maluto at timplahin naayon sa inyong panlansa.

Itabi at palamigin

Lagyan ng palaman ang mga nahugasan na shell at batihin ang itlog at ihanda ang bread crumbs

Budburan ng Keso at saka sibuyas na mura.

lagyan ng binating itlog sa ibabaw

Budburan ng bread crumbs sa ibabaw.

Iprito sa mainit na mantika at buhusan sa ibabaw nito hanggang maging mapula.

Iayos sa lalagyan na may sapin na Letsugas,

Ihain na mainit init pa...Enjoy